Untitled


kreatekreationswithkassy:

SANA TAYO NA LANG.





tuesbelle:

Turuan mo nga akong mag-budget. Napapamahal na kasi ako sayo.


Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig

Ang Puno’t Dulo ng Pag-ibig by Kenneth

Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo at totoo pa rin. Ang labo di ba? Pero ang linaw.

Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!

May kaibigan ako, sabi niya dati “Love is only for stupid people.” Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon, na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron lang.

Hindi lang kasi basta baliktaran ang pag-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang, nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nagiging Mother Teresa. Ang mga henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas, lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama’y malambot.)

Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love ulit, sabihin mo lang ang magic words na “Ayoko na ma-inlove!” biglang WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.

Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing-galing mo? Pero ‘pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?

Bali-baliktad din ang nasasabi ng mga taong tinamaan ng madugong pana ng pag-ibig. “Ngayon ko lang nalaman ganito pala. Sabi ko na eh!” “Ang sarap mabuhay. Pwede na ‘ko mamatay. Now na!”

At hindi lang ‘yon. Ang sarap din pagtawanan ng mga taong alam naman nilang masasaktan lang sila eh magpapatihulog pa rin sa bangin ng pag-ibig. Tapos ‘pag luray-luray na yung puso nila, siyempre hindi sila yung may kasalanan. Siya! “Bakit niya ‘ko sinaktan?” May kasama pang pagsuntok sa pader yon, at pagbabagsak ng pinto. Hayop talaga.

Mauubos ang buong magdamag ko kakasabi ng mga bagay na nakakatawa ‘pag pag-ibig na ang pinag-usapan. Ang daming beses ko na kasi siyang nakasalubong kaya masasabi ko nang eksperto na ‘ko. Pero wala pa rin akong alam.

Pero ang pinakanakakatawa sa lahat ay ang katotohanang kapag gusto magpatawa ng pag-ibig, ipusta na mo na lahat ng ari-arian mo dahil siguradong ikaw ang punchline.

Nakakatawa no?
Nakakaiyak.

(via)

Via & everything nice

:(


pseudo-relationship

nostalgicbliss:

The “parang kayo, pero hindi” stage. Others call it MU or mutual understanding. Pseudo-relationships. Pseudo-boyfriends. Flings. Almost like a relationship, but not quite. It is a phase where the persons involved are more than friends, but not quite lovers. Puwedeng may verbal agreement, puwedeng wala. One or both of you may have admitted your feelings, possible ding hindi. You just let your gestures do the talking for you. Walang pormal na ligawan na nangyari. Hindi kayo mag-dyowa. Pero sa kilos niyo, sa mga sinasabi niyo, parang kayo, pero hindi.

This kind of “relationship” can happen at different stages for different reasons. It can happen after a break-up. You still love each other, and you want to be with each other but you broke up for a reason. And for reasons that you alone know, ayaw niyo na muna magkabalikan.

It can also happen before a relationship, iyong pareho kayong nakikiramdam. Possible din na ayaw niyo munang mag-seryoso kaya kunwa-kunwarian lang muna. Testing lang. Puwede ring hindi puwedeng maging kayo kasi isa sa inyo —usually the guy —may ka-relasyon na. Kaya habang hindi pa siya nakikipag-break doon sa girl (sabi niya makikipag-break siya soon pero di naman niya ginagawa), wala muna kayong relasyon para nga naman hindi siya nangagaliwa
kasi “hindi naman kayo.”

This pseudo-relationship stage, for a time, can be fun. Lalo na kung naghahanap ka lang naman ng “kalaro.” Pero huwag ka lang mag-e-expect na
may patutunguhan kayo kasi wala talagang kasiguraduhan.

So bakit ang daming nagse-settle sa ganitong setup ganoong hindi naman sigurado kung may patutunguhan?

Iba’t ibang dahilan. Puwedeng for fun lang. Puwedeng “buti na iyan kesa wala” or puwede na iyang “pantawid-gutom.” Meaning, habang wala pa iyong the real thing, doon muna sa kunwa-kunwarian.

For those who are not in a serious relationship, they would think that pseudo-relationship is better than no relationship at all. It would be fun, if all you are after for is that “kilig” feeling.

Aminado naman ako na once upon a time, may mga pseudo-relationships din ako. No commitments involved. For the simplest reason that they couldn’t commit, because they were either committed to someone else, or that they weren’t ready to commit.

My rationalization, “okay na iyun, kesa wala.”

Ang habol ko lang naman, iyong kilig feeling. Iyong merong nagtatanong kung kumusta araw ko. Iyong merong ka-cuddle sa beach outing. Iyong kapag tumunog ang cellphone, mapapangiti na ako dahil alam kong galing sa kanya ang message. Iyong merong laging kasama. Habang wala pa ang the real thing, puwede na itong pagtiyagaan.

But then I learned that although it was only a pseudo-relationship, the emotions were real. And usually, in this kind of set up, ang babae lagi ang lugi.

Una, you can’t ask him to commit. Since it’s not really a relationship, you can’t demand commitment from your partner. Ano ba kayo? May K ka nga ba magpasundo ng hatinggabi? You will always be uncertain about your role in his life. You can’t expect him to be always there with you. And if you feel jealous of the other girls, you just have to keep it to yourself. Ano ka ba niya para magselos?

Pangalawa, what if you fall deeply in love with him? You can’t be sure if he feels the same way. Baka nag-a-assume ka lang na mahal ka rin niya. Even if you are dying to tell him you love him, you can’t. Because you’re not sure if he’ll like it. Baka mapahiya ka lang. This stage will always make you wonder where you are in the relationship. Or if there is a relationship at all.

Pangatlo, what if you become attached too much? What if you have invested all your emotions and this man hasn’t? What if you remain faithful to him, not entertaining other guys, only to find out that he is seeing other girls?

Isa pang downside ng pseudo-relationships, it is fleeting. When a disagreement sets in, or when one of you gets cold, then that would be the end of it. Unlike in a serious relationship, hindi mo alam kung saan ka lulugar sa isang pseudo-relationship. Wala kang pinanghahawakan. Kasi sa pseudo-relationship, there is no “us.” Meron lang “you and me,” hindi “us.”

Buti sana kung pseudo-pain din lang ang mararanasan mo. Kaso, hindi eh. Real pain. And usually, kahit tapos na ang pseudo-relationship, hindi mo maiwasan umasang one day, may karugtong pa rin iyun. And you will be miserable, hoping to bring back what you used to have, only to find out eventually that the guy is in another pseudo-relationship with somebody else.

Ang hirap, ano? You agreed to this kind of set up for fun and then you’d end up hurting yourself in the process.

Pero puwede naman maiwasan ang pain eh. Puwede naman na hindi mo muna isipin ang future and just enjoy the feeling, without thinking of the consequences.

But if you are certain that you are going to hurt yourself in the process, kailangan mo mamili. You can be happy and live the moment without worrying what would happen next. Or you can stop settling with pseudo-relationships and wait for the real thing.

When I was younger and in a pseudo-relationship with an unavailable guy, a friend told me, “Sige, kung ayaw mong magpapigil, bahala ka. Magpakasaya ka. Pero huwag kang iiyak-iyak pagkatapos, dahil tatadyakan kita.”

Ang bottom line lang naman, kung magpapasaya sa iyo, gawin mo. Ihanda mo lang ang sarili mo sa consequence. Dahil ang “parang kayo pero hindi” stage ay bihirang nagiging totoo. Usually, hanggang doon lang siya. Almost, but not quite.

Via accidentally on purpose ♥


ANG MGA LALAKI *BOW :)

jkrischalovesten:

Ang mga lalaki pag nanligaw:

* Pag dumaan ka, sunod agad.

* Pag tumingin ka, smile agad.

* Pag nagsungit ka, lalambingin ka.

* Pag tumawag ka, sinasagot agad.

* Pag nagtext ka, wla pang 1 min reply agad.

* Pag nagtampo ka, gagawa ng something special.



Pero ang lalaki pag sinagot mo na:

* Pag dumaan ka, parang walang nakita.

* Pag tumingin ka, snobber, parang di ka kilala.

* Pag nagsungit ka, mapipikon pa.

* Pag tumawag ka, naka 10 tawag kana di ka parin sinasagot.

* Pag ngtxt ka, naka 5 text kana di parin magrereply.

* Pag ngtampo ka, maiinis pa sayo.


Tapos magsosorry..
Para san pa? eh nasaktan kana..


*Oops. Ntamaan ka?

Via Time stand still, beauty in all she is♥




12
To Tumblr, Love PixelUnion

We're updating Fluid!

Soon, we'll be updating the look and feel of this theme. Read about the changes here. You can easily turn off this notification in the theme customization panel.

Close